untitled
viviti

BACK TO TARANGKAHAN

   TREE HOUSE

Ang paboritong tambayan at hang out kapag nasa Calawagan. Perfect kung gusto mong mag unwind. Meron itong veranda upang iyong tanawin ang malinaw na tubig ng pool, ang mga naglalakihang bato, mga nagtataasang puno at ang mga ibang bisita na nagtatampisaw sa tubig.   

 

 HANGING BRIDGE

Siyempre isa na sa parte ng Calawagan ang hanging bridge. Napakasarap tumambay dito habang pinapanood ang payapang pag agos ng tubig at bahagyang pag hampas nito sa mga naglalakihang bato. Ito ang nagsisilbing tawiran upang makapunta sa kabilang pangpang ng ilog.

   
 

  FALLS

Dahilan sa mga naglalakihang bato sa Calawagan, marami ka ring makikita na mga mumunting falls na talaga namang napakaganda. kasama na dito ang paboritong dayuhin na kung tawagin ay "15 MINUTES" (nakuha ang pangalan dahil 15 minutes lang daw na paglalakad ay makakarating ka na dito.) Ang falls na nasa larawan ay matatagpuan sa likod ng lumang swimming pool. Sa itaas nito ay Grotto ni Mama Mary. 

   
 

  SWIMMING POOL

Ito ang lumang swimming pool na ibinagay ang disenyo sa kapaligiran upang magmukhang natural na batis. Talagang napakasarap maligo sa pool na ito dahil tuloy tuloy ang daloy ng tubig kung kaya't makasisiguro kang malinis.  

    Ito naman ang bagong swimming pool na madalas pagdausan ng mga swimming competitions. Dahilan sa luntiang kapaligiran, tila ba geen din ang tubig na nakakadagdag sa ganda at lamig ng tubig.
 

  NATURAL NA POOL

Kung trip mo naman na magtampisaw sa ilog, pwede rin. Marami kang matatagpuan na parte kung saan ma-eenjoy mo ng husto ang tubig at ang mga bato. Kasabay mo ding magtatampisaw ang mga hipon, maliliit na alimasag at mga isda na talaga namang nakakatuwang panoorin habang ikaw ay nagtatampisaw sa tubig.

 

  PINAKAMALAKING WASHING MACHINE

Sa bandang ibaba ng resort ay madalas mong makikita ang mga taga Paluan na enjoy na enjoy sa paglalaba. Lalo na kapag tapos na ang mga okasyon tulad ng pasko at bagong taon. Talaga namang hindi mo mararamdaman ang pagod sa paglalaba kapag dito ka dumayo. Samahan pa ng baon nyo na tuyo, mangga at bagoong... Hmmm...tunay na nakaka miss.

   
   
   
   
   
   

                                                                                                                       

 

 

 


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com